【5】 Katangian ng susunod na Nankai Lindol

1) Malakas na yanig ng lindol

   Ang susunod na Nankai Lindol ay tinatayang may lakas na aabot sa gradong 8.4 magnitude. Ito ay na 4 beses na mas malakas kumpara sa Nankai Lindol na naganap noong 1946. Ito ay inaasahang magtatala ng 5-6 na lakas ng tindi ng pagyanig (mga 7 lakas ng tindi sa ibang parte ng Japan) at magaganap sa halos lahat ng lugar na tatagal sa loob ng 100 segundo.

2) Pag-apaw ng tubig-dagat sa baybay

   Pagkatapos maganap ang malakas na lindol at magiba ang mga matataas na gusali ay may inaasahan ding kasunod na tsunami na maaaring magpa-apaw ng tubig-dagat sa baybay. Sa nangyaring Nankai Lindol noong 1946 ang lugar ng Ashizuri Cape, Muroto Cape at sa kalagitnaan ng Kochi ay lumubog sanhi ng malaking baha.

3) Pagguho ng lupa

   Kapag naganap ang lindol ay maaari ring gumuho ang lupa at mga bundok. Ang gumuhong bundok ay makakaharang at makakabara sa agos ng ilog at kanal sanhi para makalikha ng pansamantalang dam. Pag hindi na nakayanan ito ay aapaw at aagos sa kalsada na magiging dahilan ng malaking baha. Ang pagguho ng bundok ay hindi lamang dahil sa lindol. Maaari ring mangyari ito kung may malakas na ulan. Kung sakaling umulan at biglang lumindol, ang pagguho ng bundok ay maaaring maganap. Ito ay bigyang pansin at kailangang mag-ingat lalo na kung biglang dumami, lumabo at tumaas ang tubig sa ilog.

4) Malaking Alon

   Sa susunod na Nankai Lindol, biglang magaganap ang malaking alon sa baybay na lalagpas sa taas ng 3 metro.

5) Inaasahang pinsala

   Sa susunod na Nankai Lindol, ang inaasahang mangyayaring pinsala ay ang pagbagsak ng mga gusali at pinsala sa mga tao.
   Maaaring mangyari ito habang ang mga tao ay natutulog lalo na sa madaling araw.

(Ang ikalawang pag-aaral ng Kochi
tungkol sa lindol ay noong Marso, 2004)
Ang bilang ng mga gusaling gumuho
※Hindi kasama ang kalahating napinsala at maliit na parte lang
Kabuuan Pinsala dulot ng "pagyanig" Pinsala dulot ng "tsunami" Pinsala dulot ng "pagguho ng lupa" Pinsala dulot ng "sunog" Pinsala dulot ng "liquifaction"
Halos 81,600 na mga gusali (sa loob ng siyudad may halos530,000 na gusali kung saan 15.4% nito ay halos gawa sa kahoy) Halos 31,200 Halos 35,700 Halos 9,900 Halos 2,700 Halos 2,100
Mga Nasawi at Nasugatan Kabuuan Bilang ng namatay Bilang ng nasugatan
Halos 20,390 ang napinsala, katumbas ng 2.5%ng 810,000 mamamayan noong 2000 National Census Halos 9,630 (halos 1,800 dahil sa gusaling bumagsak, sa tsunami ay halos 7,000, halos 680 sa pagguho ng lupa at halos 150 sa sunog) Halos 10,760 (sa mga gusaling bumagsak ay halos 9,340, sa pagguho ng lupa ay halos 850 at sa sunog ay halos 570)

BackNext