【2】 Ang nakaraang Nankai Lindol

Ang Nankai Lindol ay paulit-ulit na mangyayari ng maraming beses!

   Ang Nankai Lindol ay nagaganap sa pagitan ng 100-150 taon. Ang nakaraang Nankai Lindol ay noong taong 1946. Ang sukat ng nakaraang lindol ay mahina kaya inaasahan na ang susunod na lindol ay mas malakas at hindi na bibilang ng 100 taon maaaring maganap sa kalagitnaan ng 21st century.
   Ang nakaraang Tonankai Lindol at ang Nankai Lindol ay may kaugnayan at sabay na naganap. Ang malaking pagyanig ng Nankai lindol ay may kasunod na malaking tsunami. Noong taong 1605, ang nangyaring Keicho Lindol ay mahina subalit may naganap na malakas na tsunami kaya malaki ang naging pinsala.

Nankai Lindol noong taong 1946

   Naganap noong Disyembre 21, 1946, sa ganap na 4:19 ng umaga sa Kochi Prefecture at kanlurang bahagi ng Japan ang malakas na Nankai Lindol na may 8.0 magnitude. Ito ay nangyari sa ilalim ng dagat na may layong 50 km mula sa baybayin ng Wakayama Shiono-misaki.
   Sa Kochi Prefecture, bukod sa malakas na pagyanig, ang tsunami ay umabot sa taas na 4 – 6 m. Mayroong 679 ang nasawi, 1,836 hindi na natagpuan, 4,846 bahay ang nasira at iba pang mga napinsala.

BackNext